Ang LUMPIANG ISDA ay sobrang sarap lalo na kapag sinasawsaw sa suka o kaya ketchup.madalas itong nakikita kapag may nagtitinda sa labasan.karaniwan ito hinahanda sa mga may kaarawan o fiesta .pwede itong pang ulam sa kanin at pang baon ng mga anak at mga mister ninyo .pwede din itong pang puhunan para may pera sa araw araw.madali lang naman ito gawin at tsaka hindi gaano kalaki ang gagastusin sa pagbili lang ng mga sangkap.yung ibang nakakaalam siguro pinangpupuhunan nila ito tapos dun sa hindi nakakaalam sundan na lang sumusunod…
MGA SANGKAP:
ISDA
CARROTS
SILIRY
MAGIC SARAP
PAMINTA
SOY
VITCHEN
WRAPPER
SIBUYAS
MANTIKA
BAWANG
PARAAN SA PAGGAWA:
*una himay himayin ang isda ng maliliit
*pangalawa maghiwa ng carrots at siliry
*pangatlo iluto na ang hinimay na isda at hiniwa na carrots at siliry
pagkatapos himayin ang isda at hiwain ang carrots at siliry maglagay ng mantika sa kawali pag uminit na ang mantika ilagay na ang sibuyas at bawang pagkatapos isunod na ang isda at isunod na din ang carrots at siliry at pagkatapos lagyan ng soy pagkatapos lagyan ng soy maglagay ng magic sarap,paminta at vitchen at pagkatapos ilagay lahat ng sangkap haluin ito hanggang sa maluto.pag luto na ito ilagay sa plato at palamigin ito para pag ilalagay sa wrapper mas mabilis lang ito iwrap .pag lumamig na pwede na itong ilagay sa wrapper at iroll ito depende kung ilan ang ang ilalagay nyo sa wrapper pag natapos nyo na ang paglalagay ng mga sangkap sa wrapper pwede na itong iprito.ganun lang kadali gumawa ng LUMPIANG ISDA
KAYA ANO PANG HINIHINTAY NYO MGA KABRADY TRY NA..