“LUMPIANG LABONG”

“LUMPIANG LABONG” yan yung pag kain na gustong gusto ko lalo na pag si mama ang nagluluto .yan yung pagkaing hindi pa natitikman ng iba saating mga tao hindi lang sya ginagawang lumpia kundi pwede rin sya gawing gulay .nung una ko syang tikman medyo hindi ko sya gusto kasi sabi ni mama gulay daw ang labong eiii ayaw na ayaw ko ang gulay pero nung tumagal tagal nagustuhan ko na ang lumpiang labong yang lang yung kinakain ko na gulay pero hindi ako kumakain ng ibang gulay katulad na lang ng talong ,okra ,at iba pa ang labong lang ang gusto ko .pwede syang ulam o kaya meryenda ng mga trabador tiyak na magugustuhan nila .ang mga rekado lang ng lumpiang labong ay giniling na karne ,carrots at siliry o diba nakatipid ka pa sa gastos .hindi sya malimit ginagawa ng tao pero itry nyo baka magustuhan nyo at pwede nyo syang maging puhunan bukod pa dun pwede syang panghanda sa okasyon .

MGA SANGKAP

LABONG

CARROTS

GINILING NA KARNE

SILIRY

WRAPPER

PROCEDURE

*Una kailangan natin maghiwa ng labong

*pangalawa maghihiwa tayu ng carrots

*pangatlo iluluto na natin yung labong

*iluluto natin yung labong una yung labong muna ang ilagay sa kawali tapos haluin pagkatapos haluin ilagay na yung giniling na karne pagkatapos sunod na ilagay yung carrots tapos maglagay kayu ng magic sarap para may lasa pag luto na pwede na natin ilagay sa wrapper pero pag hindi nyo pa kaya yung init ng niluto niyong labong syempre palalamigin muna ninyo yung labong pag lumamig na pwede na natin siyang ilagay sa wrapper ganun lang kadali ang pag gawa ng “LUMPIANG LABONG”

KAYA ANO PANG HINIHINTAY NYO TRY NA .

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started